Thursday, March 5, 2009
People Power 1
People Power
(Pagpapatalsik sa Pamahalaang Marcos)
Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.
MAGANDA ang panahon para sa demonstrasyon noong Pebrero 25, ayon sa Pag-asa. Pero pagdating ng mismong araw na iyon, patigil-tigil ang ulan. At ang mahigit 6,000 nagmartsa mula Welcome Rotonda at nagprograma sa paanan ng Mendiola, basang-basa. Marami sa kanila, nagtataka sa ulan: "Nag-cloud seeding kaya si Gloria?"
Ito raw ang nausong pangontra ni dating diktador Ferdinand Marcos sa mga rali. Bago siya napatalsik sa puwesto noong Pebrero 24, 1986, palaki nang palaki na rin ang mga demonstrasyon. At sa mga panahong hindi na kinakaya ng banta at pananakot ("Lalahukan ng NPA ang mga rali") ang mga demonstrador, huling bala ni Macoy ang cloud seeding. Pero di paaawat ang bayan sa ulan.
Hindi lang ito ang pagkakatulad ng senaryo ng 1983-86 at ngayon. Bukambibig na rin ng marami ang mga katagang nakapagpanginig sa tuhod ni Macoy at lahat ng sumunod na lider na nag-astang diktador – "People Power."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment